Skip to content

PANAMBITAN ni Myrna Prado(salin ni Ma. Lilia F. Realubit)

2009 November 17
Posted by aireign_dha101783

Bakit kaya rito sa mundong ibabaw
Marami sa tao’y sa salapi silaw?
Kaya kung isa kang kapus-kapalaran
Wala kang pag-asang umakyat sa lipunan.

Mga mahirap lalong nasasadlak
Mga mayayaman lalong umuunlad
Maykapangyarihan, hindi sumusulyap
Mga utnag na loob mula sa mahirap.

Kung may mga taong sadyang nadarapa
Sa halip tulungan, tinutulak pa nga;
Buong lakas silang dinudusta-dusta
Upang itong hapdi’y lalong managana.

Nasaan, Diyos ko, ang sinasabi Mo
Tao’y pantay-pantay sa bala ng mundo?
Kaming mga api ngayo’y naririto
Dinggin Mo, Poon ko, panambitang ito.

8 Responses Leave One →
  1. AyhiEnNa permalink
    June 19, 2010

    .. a Very nicE shOrt pOem bUt obviOuszly MEANINGFUL !!!

  2. July 13, 2010

    ang galing

  3. July 13, 2010

    napakamakatotohanan ng tulang ito dahil isinasaad dito ang hinaing ng mga mahihirap tulad ko……………….

  4. aireign_dha101783 permalink
    July 20, 2010

    Oo, marami ring mga mag-aaral ang sumasang-ayon dito. Sayang! Hindi ko pa napa-publish ang mga tulang ginawa ng ilang mag-aaral na kasagutan nila sa panambitang ito.

  5. July 25, 2010

    wow so amazing. unbelievable. grabe ito tlga ang nangyyri s pnhon ngayn. sobra nkkapekto tlga s bhy ng tao

  6. perly joy permalink
    July 29, 2010

    talagang silaw sa salapi ang mga tao ..

  7. pEaRL :D permalink
    July 29, 2010

    kawawa naman ng mga mahihirap .. dahil sa halip tulongan tinutulak pa nga ..

  8. ingkoOrn permalink
    July 31, 2010

    maganda ang ipinapahiwatig ng tulang ito na paka meaningful

Leave a Reply